Ilan Sa Mga Salitang Pinansyal Na Ito Ang Kaya Mong Bigkasin Sa Wikang Filipino?
2 min readAlam mo ba ang Tagalog ng credit card?
Matagal nang pinaglalawig ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng salitang Pilipino sa paaralan, lalo na mga asignaturang katulad ng siyensa, matematika, ekonomiya at pinansyal, kompyuter at impormasyong pang-teknolohiya, pag-iinhinyero, medisina, at abogasya.
Ayon sa puno ng KWF na si Benjamin Mendillo, napatunayan diumano na ang pagtuturo ng mga asignatura sa sariling wika ay nakakatulong upang mas mapaigting ang pag-unawa at kakahayang magpaliwanag ng mga mag-aaral.
Kaya’t bago magtapos ang Buwan ng Wika, at bilang suporta na rin sa adbokasiya ng KWF, gumawa kami sa eCompareMo ng listahan ng mga terminolohiyang pang-pinansyal sa wikang Filipino. Marahil ang ilan dito ay alam mo na, ngunit ang ilan ay makakadagdag sa iyong kaalaman.
Accounts payable.Tuusing bayarin
Ang kabuuang halaga ng salapi na kailangang bayaran ng isang tao o institusyon.
Accounts receivable.Tuusing tanggapin
Ang kabuuang halaga ng salapi na ibinabayad sa isang tao o kapisanang pang-pinansyal mula sa benta or bilang kabayaran ng utang.
Asset/estate/holding. Propyedad; ari-arian
Anumang bagay na may halaga. Sa negosyo, ito ay itinatakda nang naaayon sa katumbas na salapi.
Balance sheet. Dahon ng katuusan
Buod ng ari-arian, pagkakautang, at tarong sa loob ng loob ng isang panahon.
Bankrupt. Bangkarote; bangkarota; bahete; gipit
Isang sitwasyon kung saan ang isang tao o institusyon ay wala nang sapat na pondo upang bayaran ang mga utang.
Capital. Puhunan
Salapi, yaman, o pag-aari ng isang tao o kapisanan na kadalasang ginagamit sa pagtatayo ng negosyo.
Cash flow. Daloy o takbo ng salapi
Kabuuan ng kinita at gastos ng isang indibidwal o institusyon sa loob ng isang panahon.
Compound Interest. Tambalang tubo
Isang uri ng interes na kinu-kuwenta ayon sa pauna at naipong interes.
Credit card. Tarheta sa pangungutang
Isang piraso ng plastik na ginagamit ng mga bangko upang makapagpahiram ng salapi sa isang indibidwal. (Ito ay literal na katumbas na salita, at hindi ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Madalas pa ring gamitin sa wikang Tagalog ang salitang credit card)
Dividends. Tubo; dibidendo; pakinabang
Salaping binabayaran ng isang institusyon sa mga mamumuhan nang naaayon sa pangkabuuang kita.
Kaugnay: Stock dividends. Mga tubo ng inimbak
Equity. Tarong
Halagang nakabahagi para sa isang indibidwal mula sa kita ng isang institusyon.
Expenses. Gastos; gugol
Halaga ng mga pinaglaanan.
Kaugnay: Living expenses. Gastos pangkabuhayan
Insurance. Seguro
Isang pagkakasundo sa pagitan ng isang indibidwal o grupo at institusyon kung saan may halagang maaring makuha sa pagkakataong hindi inaasahan, katulad ng pagkawala o aksidenteng pagkasira ng sasakyan, pagkasunog o pagnanakaw ng ari-arian, o pagkakasakit o pagkamatay ng segurado (insured).
Liabilities. Pagkakautang
Salapi o gawaing obligasyon ng isang taong ibalik sa isang institusyon.
Kaugnay: Tax liability. Pananagutan sa buwis
On sale. Barato
Anumang produkto o serbisyo na ibinibenta sa mas murang halaga.
Stock/s. Sapi
Kapital or paunang salapi na naipundar ng isang negosyo.
Kaugnay:Â Stock exchange. Palitan ng sapi;Â Stock market. Pamilihan ng sapi
Tax return. Ulat sa buwis; balik-buwis
Isang ulat kung saan nakasaad ang halaga ng buwis na binayaran ng isang indibidwal o kapisanan.
Valuation. Presyo; tasa; paghahalaga
Ang pagtatakda ng halaga ng isang kumpanya nang naaayon sa mga ari-arian at pagkakautang nito.
Property valuation. Kahalagahan ng ari-arian