Here’s What Trying To Find Your ‘Forever’ Costs, According To A Financial Literacy Advocate
5 min readRock to Riches and Angat Pilipinas Coalition’s Burn Gutierrez dishes out important love advice for the young at heart.
(Note: This is an excerpt from Burn Gutierrez’s talk at the recently held #eCMRealTalk, the first of a financial literacy series held in partnership with Kamuning Bakery Cafe’s Pandesal Forum. Slight modifications have been made by the editors.)
My wife and I have always been budget-conscious even back when we were still dating.
She lived in Marikina, so all our dates were set in Marikina Riverbanks—at the park, because SM [Marikina] wasn’t there yet.
I was an audit professional pero napakaliit ng sweldo noong panahon na iyon. Ang amin lang nakakayanan ay ang SM Bonus Tuna Hot and Spicy. Bumibili lang kami ng kanin sa grocery sa tabi.
Every summer, we would share this meal sa may paligid ng Riverbanks. This was just about P10 pesos at the time. Pag wala kaming kutsara, pupunta lang kami sa Jollibee at sasabihing, “Di nyo nilagyan ng spoon and fork ang aming takeout.†Bibigyan na kami at libre na ang spoon and fork namin.
Ito ang gusto nating malaman: “Ano ba ang cost ng karaniwang manliligaw ngayong mga panahon na ito?†Tignan natin ang mga karaniwang ipinang-reregalo sa ating mga sinisinta.
1. Eating out
Based on my research, sa P1,000 pwede na kayong mag-date sa isang restaurant. May iba’t-ibang klase ng restaurant, depende iyan sayong kakayanan. Imagine kung kada-kinsenas, kada-sweldo mag-de-date kayo. Sa isang taon, P25,000 ang magagastos mo sa iyong pakikipag-date.
That is, P1,000 every payday in hoping for your forever.
2. Flowers
Sumunod naman ay flowers. Base sa isang online flowershop, ang halaga ay P2,000+. Eto ang pinakamurang nakita kong magandang setup.
Kung ikaw ang manliligaw, you’ll spend P2,000 every month kung ikaw ay masugid. Ako kasi noong ako ayung nanliligaw, dumadampot lang ako sa aming bakuran. You will spend around P10,000 in six months kung mabilis mo siyang mapapasagot. Magastos manligaw, at mas malaki ang magagastos mo kung torpe ka.
3. Chocolates
Isa pang karaniwang regalo ang chocolate. Base sa ating nakuhang costing, nasa P700 to P1,000 ang [Ferrero Rocher] at ito ang pinaka-popular. Kahit noong college pa kami, iyan na ang pinang-reregalo. Pero baka naman may mas mura kang choices, baka pwede ngang Cloud 9 at Chocnut na lang?
4. Movie dates
Siyempre hindi mawawala ang panunuod ng sine. Si lalaki, susunod sa pelikulang gusto ni babae. Kahit ayaw manuod ng Tagalog movie, manunuod pa rin para makasama ang kanyang minamahal. Iyan ay nasa P500 to P1,500. Kung kada-pelikula per month papanuorin ninyo, magkano na yan?
5. Transpo expenses
Kung ang iniirog mo ay taga-Bulacan, o taga-Malabon, natural magbibiyahe ka. Pwede kang mag-jeep, pwede kang mag-taxi. Of course may companion ka at added cost din yan.
Buti na lang bumaba na yung pamasahe to minimum, pero natural kapag mas malayo, mahal pa rin ang babayaran mo. You have to shell out cash para sa pamasahe para mapuntahan mo ang mahal mo. Kung may sasakyan ka, magsi-spend ka pa rin para sa gasoline. Depende pa sa klase ng kotse mo kung diesel o gas.
May toll fees pa kung ikaw ay tatawid pa ng SLEX at NLEX. Paano pa kung taga-Visayas? Sasakay ka ng barko. Sasakay ka ng eroplano. Di bale sana kung palaging may Piso Fare.
5. What about your salary?
Sa usapang “Paano kapag nawalan ka na ng pera?†ang unang-una mong aalamin ay kung magkano ba talaga ang suweldo mo—sa kinsenas at katapusan mong sweldo. Maitatanong mo, “Bakit ko pa aalamin iyon eh mahal na mahal ko ang aking sinisinta?†Pero makikita niyong napaka-importanteng malaman kung magkano ang kinikita mo dahil diyan mo malalaman kung kaya mong sagutin lahat ng courting expense. Estimate mo at baka mayroon ka pang ibang option.
Determine how much your suweldo is and then estimate your courting expenses. Check your proportion income, i-adjust mo ang panliligaw expense mo. Huwag gagaya sa ibang nanliligaw na mas malaki naman ang suweldo kaysa sa’yo. Spend only according to what you can afford.
6. And then, there’s heartbreak…
The cost of heartbreak is $75 billion per year. Kasi and mga empleyadong nasasawi sa pag-ibig, humihina ang productivity, laging absent. Ako, malimit mag-absent noong hiniwalayan ako ng aking girlfriend dati.
Accountant ako noon. Di na balance ang ginagawa kong financial statements dahil ang iniisip ko ay siya pa rin. Talagang apektado ang trabaho mo, apektado rin ang productivity ng kompanyang pinagta-trabahuhan mo. If you’re going through a heartbreak, dapat alam mong i-handle ang sitwasyong ganito.
May hidden cost din ang heartbreak. May tinatawag na “broken heart syndrome.†Unang-una, ang stress ay nakaka-apekto sa iyong immune system at ang iyong kalasugan. Ito ay talagang dinudulot ng sobrang pag-didibdib ng kasawian.
Marami pa tayong bagay na dapat pagtuunan kaya dapat malampasan ang mga pagsubok na ganito. Huwag nating masyadong dibdibin kung tayo man ay ma-reject o hiwalayan. Kung ma-fe-friendzone ka, talagang ma-fe-friendzone ka. Madami ka pang makikitang higit kaysa sa kanya.
Sabi nga nila, “Time can heal a broken heart.†Pero hindi pala totoo iyon. Time alone does not heal. Hindi lang maghihintay ka ang mahalaga, kundi kung anong gagawin mo habang lumilipas ang panahon. Kailangan may gawin ka para malampasan mo ang pagka-sawi.
Meron ako naging girlfriend noon, iniwan ako at nag-puntang US. Two years na hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa trabaho ko. First time kong magtrabaho as an auditor. Ako lang tuloy ang napag-iwanan. Lahat ng kaopisina ko na-promote—ako nandoon pa rin dahil hindi ko alam kung anong ginagawa ko.
“Anong dapat mong gawin para ma-handle mo ang ganitong crisis?†Dapat maging masaya ka.
From heartbreak, kailangang malampasan mo ito at hanapin kung saan ka sasaya. It’s a choice. Magbasa ka ng libro, um-attend ka ng mga seminars or workshop, pwede kang mag-hire ng iyong advisor o ng coach.
Lahat kayong mga single ngayon, darating ang panahon na magkakaroon din kayo ng kabiyak. Meron din kayong makakasama sa buhay—ang inyong forever—kaya huwag kayong mangamba. At kung ikaw ay nanliligaw pa, ipagdasal mo na siya talaga ang para sa iyo.
Burn Gutierrez is a financial literacy advocate, investor, stock market and personal coach, and online entrepreneur. Â He is currently the chairman of Angat Pilipinas Coalition and founder of Rock To Riches.