Ano ang Comprehensive Insurance para sa Sasakyan?

Ipapaliwanag namin dito kung ano ang Comprehensive Car Insurance at bakit kailangan ito ng iyong sasakyan

Para sa mga may-ari ng sasakyan, ang comprehensive insurance ay minsan nagiging optional na lang dahil may CTPL naman. Ngunit alam mo ba na maaring nilalagay mo sa peligro ang iyong sarili, pati na ang iyong mga pasahero, pag walang comprehensive insurance ang iyong sasakyan?

Ano ba ang Comprehensive Insurance?

“Para saan pa ang comprehensive car insurance kung may CTPL naman ako?” Maaring yan din ang iyong katanungan. Sa totoo lang parehong importante at kailangan mo ang CTPL at Comprehensive Insurance habang nagmamaneho ka. Bakit? Dahil magkaibang coverage o saklaw ang pinoproteksyunan ng CTPL at Comprehensive Insurance.

CTPL: Ang ganitong uri ng coverage ay pinansiyal na mag-iinsure sa iyo mula sa mga pinsalang maaring naidulot mo sa ibang tao. Ang pinakakaraniwang halimbawa nito ay ang Compulsory Third Party Liabililty (CTPL) at ang pagkakasakop sa pinsala sa sasakyan o sa mga pasaherong nasaktan habang ikaw ay nakaaksidente.

Comprehensive insurance: Hindi tulad ng CTPL ang comprehensive insurance dahil may mas malawak na saklaw ito. Ang iba pang mga partido na kasangkot sa aksidente, tulad mo at ng iyong mga pasahero ay sakop ng comprehensive insurance. Ang saklaw nito ay umaabot din nang higit pa sa aksidenteng natama mo sa pagmamaneho. Pinoprotektahan ka din ng comprehensive insurance mula sa iba pang uri ng insidente tulad ng pagkabaha, pagnanakaw, o pagkakasunog ng iyong sasakyan. Maaari ka ring mag-file para claim kung hindi mo sinasadyang masira or pinsala ang iyong sariling sasakyan.

Sa makatuwid, maaring hindi ka na maglabas ng pera para sa pagpapagamot, pagpapaayos ng iyong sasakyan, o sa pagsagot ng pagpapa-libing pag ikaw o ang mga pasahero mo ay naaksidente.

Listahan ng mga pagkakaiba ng CTPL at Comprehensive Insurance

CTPL

  • Own Damage: None
  • Theft: None
  • Third Party liability – Bodily Injury: As mandated by law
  • Third Party liability – Property damage: None
  • Passenger personal accident: None
  • Acts of Nature coverage: None
  • Strikes, riots, Civil commotion: None
  • Towing service assistance: None
  • Ambulance service: None
  • Removal of the vehicle: None
  • Accommodation and travel due to breakdown of vehicle: None
  • Fuel delivery: None
  • Battery boosting or Jumpstarting: None
  • Locksmith service: None
  • Tire replacement: None
  • Legal assistance: None
  • 24/7 customer assistance: None

Comprehensive Insurance

  • Own Damage: Based on fair market value (FMV) of the vehicle
  • Theft: Based on FMV of the vehicle
  • Third Party liability – Bodily Injury: Up to PHP1,000,000.00
  • Third Party liability – Property damage: Up to PHP1,000,000.00
  • Passenger personal accident: Up to 18 seats coverage
  • Acts of Nature coverage: Optional
  • Strikes, riots, Civil commotion: Covered
  • Towing service assistance: Covered
  • Ambulance service: Covered
  • Removal of the vehicle: Covered
  • Accommodation and travel due to breakdown of vehicle: Covered
  • Fuel delivery: Covered
  • Battery boosting or Jumpstarting: Covered
  • Locksmith service: Covered
  • Tire replacement: Covered
  • Legal assistance: Provided
  • 24/7 customer assistance: Included

Saan ako maaring makakuha ng CTPL at comprehensive insurance na mura at maasahan?

Para makasigurado ka na mura at maasahan ang CTPL at Comprehensive Insurance ang makukuha mo para sa iyong sasakyan, ikumpara ang mga offers sa eCompareMo.

Madaling mahanap ang mga pinakamahusay na insurance providers at mabawasan ang hassle sa pagkuha ng claims. At ang pinakamaganda pa dito, LIBRE lang ang pagkuha ng quote sa insurance ng iyong kotse. Ilang minuto lang ang kailangan at makakuha ka na ng mga quotation mula sa iba’t ibang provider.

Kaya saan ka pa kukuha ng comprehensive insurance kung di sa eCompareMo lang?